Tuesday, March 2, 2021

Payo para sa Kabataan Pilipino




Payo para sa Kabataan Pilipino

Paano Tumulong sa aking Pamilya, Paluwagin ang Metro Manila at Pagtulong din sa aking Kapwa-Tao


1. Tulungan ang aking magulang, gamit ang aking angking talino (example: paano mag-negosyo sa Facebook).



2. Mag-bisikleta (please mag-ingat) papunta sa paaralan o trabaho.  Siguraduhing mag-mask para hindi maapektuhan ang ating mga baga sa polusyon.  Ito ay makakatulong din sa pagbawas ng ating gastos.



3. Maglakad papunta sa paaralan o trabaho.  Mag-ingat at siguraduhing mag-mask para hindi maapektuhan ang ating mga baga sa polusyon.  Ito ay makakatulong din sa pagbawas ng gastos.


4. Magsimba (sana kasama ang buong pamilya) at magbigay ng 10% sa simbahan bilang pasasalamat kay Lord.  Alam nating 100% ng ating oras at pera ay pag-aari ni Lord, hindi ito atin kaya't dapat ibalik natin sa kanya bilang pasasalamat.  Mag-ipon ng pera at gamitin lamang para sa mabuting bagay.  Kapag ginamit natin sa masamang bagay, hindi tayo bibigyan ng maraming pera ni Lord.  


5. Mag-aral kung paanong maatim ang ating mga pangarap.  Mag-aral ng mabuti at laging pumunta sa eskuwelahan kahit tinatamad tayo.  Kapag tayo ay nakatapos ng pag-aaral mas maraming trabaho ang pwede nating pasukan.  Kung hindi tayo nakapagtapos, limitado lang ang alam natin kaya magiging limitado rin ang ating mga magagawang trabaho.  Ang mga pangarap ay pinaghihirapan, hindi lang ito nangyayari ng parang magic.  Imbis na puro gaming ang gawin sa computer, manaliksik ng mga paraan kung paano makatulong sa kabuhayan ng pamilya. 


6. Maging masipag at tumulong sa magulang para sila ay magaan ang buhay.  Kapag masaya ang magulang at kapamilya natin, masaya din tayo.  Makakapagtrabaho ng mabuti ang ating mga kapamilya kung tayo ay may magandang relasyon.


7. Magtulungan tayo.  Kapag mayroong magtagumpay sa kanyang ginagawa, wag tayong mainggit.  Matuwa tayo para sa kanila.  Kapag nagtutulungan at kapag magkasama tayo, mas mabilis nating makakamit ang ating mga pangarap.


8. Magpatawad tayo ng ating kapwa tao.  Kapag hindi natin pinatawad ang isa't-isa, mas marami tayong stress sa buhay.  Magkakasakit tayo sa stress at hindi rin ito productive para sa atin.  Kung tayo'y mapagpatawad, matutuwa si Lord at magiging matiwasay ang ating bahay at lipunan.


9. Maging disenteng tao.  Maayos na damit ay hindi kailangang mamahalin.  Simple at maayos na pagdamit ay nagpapahiwatig na tayo ay pagmamahal sa ating sarili.  Kapag tayo ay butas butas ang kasuotan o di kaya'y malaswang pananamit, ito'y nakikita ng karamihan na negatibo at hindi ka kagalang-galang.  Basta't tayo'y malinis ang damit sa pinaka-abot-kaya natin.  Hindi kailangang mamahalin.  Kahit ukay ukay ay okay na okay.


10. Magdasal bilang isang pamilya. Hindi natin kayang gawin ang lahat na ito kung wala ang Diyos.  Mayroon ding demonyo na ayaw kayong mag-anak na magtagumpay kaya't kailangan natin ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa buhay, maliit man o malaki.